Magandang balita mga Tomasino!

Sa katatapos lamang na Committee Hearing na ginanap noong Lunes, June 05, 2017 sa Senate of the Philippines CCP. Complex, Pasay City aprubado na sa Senate Committee on Local Government ang aplikasyon upang ang ating bayan ay ganap ng maging lungsod.
Isinasaad dito na sa nakalipas na dalawang taon tayo ay may average annual income o taunang kita na higit P137 milyon, nakamit din natin ang bilang ng tao o populasyon na umabot sa 179,000 katao .Sa larangan naman ng nasasakupan o Land Area ay higit tayong kwalipikado sapagkat ang ating bayan ay may lawak 100 square kilometers, kung kayat tayo ay pasok sa mga pamantayan upang ganap na maging isang lungsod
Abangan naman natin ang pagdinig sa Senado sa Plenaryo para sa Ikalawa at Ikatlong pagbasa ng House Bill 5160 “An Act converting the Municipality of Sto Tomas in the Province of Batangas into a Component City to be known as CITY OF STO. TOMAS” pagkatapos ay tuluyan ng malagdaan ng ating Pangulong Duterte ang nasabing Cityhood bill.
Sa huli ay dadako na tayo sa isang plebisito kung saan tayong mamamayan ang may huling pasiya tungo sa pagiging lungsod.
Ating pagsama samahan ang patuloy na kaunlaran ng ating bayan at salubungin natin ang bagong kasaysayan bilang ganap na lungsod!
Yes to Sto. Tomas Cityhood!
#RoadtoCityhood #YestoCityhood! #YestoStoTomasCity!