Labinlimang kababaihang Tomasino ang pinarangalan ng Pamahalaang Bayan ng Sto. Tomas kaugnay ng kanilang pagtatapos sa Event Management Services Course ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong Hunyo 15, 2015 sa Malvar Historical Landmark.

Pinangunahan nina Mayor Edna P. Sanchez, Vice-Mayor Ferdinand M. Ramos, Mr Ding Tuiza, 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) at Ms Roselyn Libuit (Municipal Social Welfare and Development) ang pagpaparangal.

Ang kurso sa Event Management Services ay magbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga 4Ps parents upang magkaroon ng pagkakakitaan. Ang mga binigyan ng parangal ay sina: Cherrybell Almeda, Delcy Abellar, Loreta De Guia, Zenaida Villegas, Rowena Villegas, May Malabrigo, Diossa Maldia, Elena Canonoy, Arlene Arenas, Cristina Ocampo, Sheila Manarin, Angelita Ilagan, Zenaida Janaban, Aracil Pecho at Carmencita Dela Pena.

Hinihikayat nina Mayor Sanchez at Vice-Mayor Ramos ang mga magulang na Tomasino na magpatuloy upang pagyamanin ang kakayahan nila sa kabila ng kahirapan.